Issue One (August 2025)
"How I Wonder" by Dr. Pia Patricia K. Garcia
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are…
You sing to children to make things stay. Twinkling and tinkling, the tune dances and interweaves with hands—Mama’s light, long-fingered hands; the child’s small, stubby fingers. Dark eyes mirror each other’s glee, and the child’s smile gleams. Open, and close, open, and close—they are playing before they go to sleep, and the song seems to skip upwards, spiraling into the night sky.
Up above the world so high…
There is a space that is created inside you when melodies turn into memory. You sing to children to make thing stay, and when she was too old for children’s tunes but too young to be know her self, what stayed with her was the stars. There was a space that created inside her, but it wasn’t a hollowness, it wasn’t a void. It was a lack of presence; an awareness of not-yet-there. It was a space that was always searching.
And it always made her look up, in the velvet darkness that was still deep even in the suburbs. Evening always came at the same time, just after she had visited the village chapel, an hour before Mama called them all for dinner. The walk home was short, but the few moments of stillness, of letting herself be drawn up and into the night sky as her feet found their way home—she could never explain what they did to her. She just knew that when she looked up, the space inside her echoed.
Like a diamond in the sky.
And the echoes made her restless. She could hear them in the night sky, and back then she could never put into words what the night sky told her. She only knew that the stars gave her peace in a way nothing else ever could—not the melodies, not the memories.
The first constellation she ever learned to recognize was Orion. Three bright lights in the sky, and the curve of his arm, drawn back and powerful. The myths called him a hunter; somehow, she always thought of him as her guardian. On the evenings when her small world was chaos (as is wont for any teenager), she always found comfort in his presence in the sky. And in the years that came after she left her parents’ home, on the nights when she lived in new cities and had a long day at work or at school, she could always find Orion, and she always smiled.
Twinkle, twinkle, little star…
Literature is full of images of the true north, of the wanderer who finds his way home by stars. She liked that. She liked how it made sense: to find your way, you had to look up. The star to every wandr’ing bark—but in Sonnet 116, Shakespeare had been talking about love.
But she supposed that made sense. There was another meaning that others put to stars. It is one of the greatest coincidences that science discovered that the starlight seen by humans is a memory: light from years and years—hundreds and even millions of years—away. You could be guided by the light of a star that was gone.
And as paths crossed and uncrossed and as some disappeared entirely from the face of the earth—as her life went on, this meaning found even more resonance in her.
Though starlight is a memory, it had first been a presence. And that light left behind can still comfort and guide is no small coincidence.
At last there came a the time when she found the words that almost captured what the night sky spoke to her of. They were very simple, but they were what calmed the echoes. The night sky tells you…that you are not alone.
How I wonder…who you are.
And it was this that drew her to always look up, this that the night sky had always been singing to her. It was the truth that anchored any guardians in the sky, the truth that shone in the brightness of those who had lit up her life, separated by space and time.
It was what allowed her to decipher so many things in the firmament—the night sky had been made, by someone, for her. And it was made to whisper to all who listen that there is Providence.
And that there is a forever.
"Unitas: Pagsasalin ang Mapagkaisang Wika ng Mundo" by Mr. Albert A. Lagrimas
Ang Ingles ay itinuturing na wikang unibersal. Mahalaga ang wika dahil ito ay ginagamit upang maiparating ninoman ang kanyang naiisip, nararamdaman, at gustong sabihin. Gayonpaman, sa nagdaang mga araw, sa usapin ng sistema ng politika sa bansa, hindi ka ba napaisip na kung totoong unibersal ang Ingles, bakit hindi ito ginagamit sa pandaigdigan larang lalo na sa hudikaturang dumudulog sa kaso ng kontrobersiyal na programang kontra droga ng Pilipinas o mas kilala bilang ‘tokhang’ sa usapin ng crime against humanity mula sa the Hague Netherlands kung saan nakabase ang International Criminal Court (ICC)?
Malalim at matibay ang paniniwala ng mga Pilipino sa wikang Ingles - higit na maganda at mahusay ang wikang dayuhan. Bagamat de facto at de jure ang Filipino bilang wikang pambansa, ngunit sa katotohanan ay hindi ito ang namamayani at ginagamit. Dinodomina ng Ingles ang lahat ng mayroon tayo mula sa paraan ng pag-iisip, paggawa ng batas, usapin ng politika, medium of instruction sa paaralan at marami pang iba. Sa karanasang ito mula sa ICC, binasag nito ang paniniwalang superyor ang wikang Ingles at ito lamang ang maaring gamitin sa lahat.
Ang pagsasalin ang susi upang magkaunawaan ang lahat ng tao sa mundo at hindi lamang ang Ingles ang maaaring magamit na wika. Ang pagsasalin ang mapagkaisang wika ng mundo, ito ang larawan ng UNITAS. Kaya hindi dapat alisin ang Filipino sa mga paaralan lalo na sa mga kolehiyo at unibersidad sa halip ay palaganapin at linangin ito upang mas maging mapagkaisa at ganap na magampanan ang tungkulin nito bilang lingua franca ng bansa.
Ang Hamon ng Filipino sa Akademya
Paano susulong ito kung hanggang ngayon tila nakikipagtunggali pa rin ang wikang Filipino sa Ingles bilang wikang pambansa ng Pilipinas at sa patuloy nating paniniwalang ang wikang Ingles lamang ang magaling? Talamak na ginagamit ang Ingles sa pamahalaan, paaralaan, industriya, pagkain at lahat ng gawain ng tao.
Ang pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo na iminungkahi ng CHED ay naglalayong patayin ang intelekstuwalisasyon sa ating bansa. Paano nito ipatutupad ng bansa ang intelektuwalisasyon kung sa kolehiyo ay aalisin ito? Malinaw na nakasaad ito sa Artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 ng Saligang batas na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Sa antas ng pag-aaral, malinaw rin itong nakasaad sa DO #25, s, 1974 at DO 52, S. 1987 – The 1987 Policy on Bilingual Education na ang antas ng kolehiyo ang ‘nararapat’ manguna sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino habang ito rin ay isinusulong sa antas ng elementarya at sekondarya. Sa karanasan ko sa akademiya, mas ramdam na ang epekto nito dahil patuloy na bumababa ang pagpapahalaga sa wika, kawalan ng malay sa kultura at lahing pinagmulan, kasaysayan, paggamit ng wika at lahat ng kaakibat nito. Nagiging mekanikal ang lahat, nag-aaral ang kabataan upang magkaroon ng magandang trabaho at tinutulak na lumabas ng bansa na susunod lamang sa sinasabi ng nakatataas, hindi kritikal kug mag-isip, walang puso, at pagpapahalaga sa bansa. Magpapatuloy ang epekto nito hanggat hindi natin nakikita ang kahalagahan nito sa ating buhay at bansa.
Magsimula tayong muli, dahil hanggang ngayon, kaunti pa lamang ang ating nagagawa o wala pa nga - San Francisco ng Assisi
Madalas naririnig ko ito sa ating mga Pilipino na magiging mahirap kung magiging wika ang Filipino sa iba’t ibang larang, pag-aaral, o industriya. Tototo namang magiging mahirap ito! Sino ba naman ang magsasabing magiging madali ito? Sa matagal ng panahong sinakop tayo ng iba’t ibang bansa lalo na ng Amerika na nagkaroon nang malalim na impluwensiya sa atin, hindi ito kailanman magiging madali. Ngunit kung hindi natin ito gagawin, kailan pa? Lahat naman ng gawain sa simula ay mahirap ngunit kung hindi natin ito uumpisahan, kailanman magiging madali ito sa iba’t ibang henerasyong darating. Ipinapaaalala sa atin ng pambansang awit ng Pilipinas na “ang mamatay ng dahil sayo.” Hindi natin kailangang mamatay ngunit ang totoong tanong “Handa ka bang manindigan at itama ang ganitong sistema bilang isang Pilipino para sa Pilipinas?”
Nabigo tayong bantayan at baguhin ang sistemang ito kaya minamana ito ng susunod na henerasyon. Nabigo tayo dahil ito pa rin ang nananaig na sistema sa bansa. Ito pa rin ang kinamumulatan at kinalalakihan ng kabataan. Wika nga ni San Francisco ng Assisi, “Magsimula tayong muli, mga kapatid, dahil hanggang ngayon, kaunti pa lamang ang ating nagagawa o wala pa nga.”
‘Guilty si ako:’ Walang malalim na pag-unawa sa pagkakakilanlan
Naging karanasan ko ito sa aking klase at maging sa paaralan, na tila kailangan patunayan at ipagtanggol ang kahalagahan at pananatili ng asignaturang Filipino bilang isang asignatura sa akademiko. Patuloy at nagiging talakayan ang konteksto at pag-iral ng asignaturang Filipino lalo na sa kolehiyo. Kailangan pa ba ito? Magagamit ba namin ito sa aming kurso o larang na kinabibilangan? Madalas ko ring sabihing, ang asignatura Filipino ay hindi lamang asignatura. Ang wika Filipino ay hindi lamang wika. Dala-dala nito ang ating pagkakakilanlan, lahi, karunungan, tradisyon at kultura bilang isang Pilipino at bansa. Ang pambabalewala rito ay lantarang pagtanggi sa ating pagkakakilanlan. Naalala ko tuloy ang aking kapwa guro sa isang huntahan, “Excuse me! Core subject ito. Naiintindihan ba ng lahat ito? Pang-university wide ang ganda ko (scope nito). Hindi lamang ito nakatali na itinuturo sa isang kolehiyo. Ang asignaturang ba nila kayang ituro sa ibang kurso. Hindi! Kapag ang bata nag-iba ng kurso, credited ba ang kinuha niyang kurso sa ibang kolehiyo. Hindi! Pero ang Filipino, Oo! Ang gurong nagtuturo sa isang teknikal na kurso sa isang kolehiyo, hindi magagawang magturo sa isa pang kurso pero ang guro sa Filipino, Oo! FYI! May pagpapadakadalubhasa rin sa Filipino. Kaya nga mas masters at PhD. Kaya nitong makipagsabayan sa antas ng pag-aaral ng ibang kurso at propesyon dahil hindi lamang ito limitado sa gramatika, at pagbabasa katulad ng paniniwala at impresyon ng iba.
Ito ang tining ng kabataang o mga taong walang malalim na pag-unawa sa kanilang pagkakakilanlan. Hindi mo rin sila masisisi dahil ito ang kinamulatan nilang sistema sa ating lipunan.
Paggunita sa kahalagahan ng Wikang Pambansa
Taon-taong din nating ipinagdiriwang ang buwan ng Wikang Pambansa. Iba-ibang tema ngunit iisa lamang ang nais nitong sabihin. Ipinapaalala sa ating nitong pahalagahan ang wikang nag-iisa at mayroon tayo.
Kung sisipatin nang mabuti, sa katayuan ng wikang Filipino at sa paraan ng ating pag-iisip na mayroon ang Pilipino, may kapayaan, seguridad, inklusibo, at katarungan nga ba talaga maasahan ang ating wika sa kanyang sariling bansa? Una, tunay nga bang may seguridad at espasyo ang wikang Filipino sa ating sari-sariling kaisipan? Matibay ba ang ating paniniwalang makatutulong ito upang masigurong matatanggap tayo sa trabaho kung ito ang ating gagamitin o magiging daan ito upang mapaunlad ang ating mga sarili at maging matagumpay sa buhay katulad ng impresyon natin sa Ingles? Patuloy nating paninindigan ang pagiging inklusibo ng ating mga paniniwala, karapatan, at pagtanggap sa mundong ating ginagalawan ngunit paano natin ito ganap na naiintinidihan sa usapin ng ating sariling wika? Nagiging makatarungan at patas ba talaga tayo?
Magiging ganap at katanggap-tanggap lamang ang pagdiriwang na ito kung aalisin natin ang ganitong uri ng sistema at pag-iisip sa ating bansa. Aalisin mismo natin ang diksriminasyon sa sarili nating wikang pambansa. Kung tunay ngang mahalaga ito, hindi lamang dapat ito ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto kundi sa araw-araw. Iyan ay kung tunay ang pagpapahalaga natin dito.
Praktikalidad at pagkawala
Sa pagtatama ng kasaysayan, napatunayang nating bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sibilisasyon – pamahalaan, edukasyon, at batas. Isa sa mga aral na natutuhan natin sa pagkawala ng Baybayin, bilang sinaunang panulat ng mga Pilipino. Hindi maitatanggi na maaaring sa praktikalidad ay hindi na nagawa pang ipagpatuloy ng mga sinaunang Pilipino na gamitin ito dahil sa wikang Kastila dahil higit tayong pinaniwalang higit na maganda at mahusay ang wikang dayuhan. Maraming ring walang letra sa Baybayin na ginagamit ng mga panahon na iyon at sa paniniwalang mas magiging mabuti ang kanilang opurtunidad kung gagamitin ang wikang Kastila hanggang sa tuluyan itong nawala. Hindi ito nalalayo sa panahon ngayon sa patuloy na paglaganap at paggamit natin ng wikang Ingles. Kung hindi natin pagsusumikapan at patuloy na isusulong ang wikang Filipino tungo sa intelektuwalisasyon hindi malayong mangyari na maisantabi ang ating sariling wika. Hindi kailanman ito magiging Intelektuwal kung patuloy nating gagamitin ang mas inaakala nating madaling paraan – ang paggamit ng Ingles. Hindi tayo laban sa Ingles, naniniwala tayong mahalaga ang Ingles ngunit kailangang alam natin ang ating prayoridad. May wika tayong magagamit na maaari nating linangin at palaganapin at magsisilbing balon na hindi mauuubusan ng tubig na pagkukunan nang mayamang kaalaman na maggagamit ng mundo.
Ang Hamon sa Kasalukuyang Panahon
Taong 2023, ginulat ng mundo ang Pilipinas matapos magbukas ang Harvard University ng kursong Tagalog (Filipino) at sinundan din ito ng Yale University at maging ng iba’t ibang unibersidad sa mundo na nagsusulong ng Tagalog courses. Habang sa Pilipinas ay unti-unting binabawasan ang unit ng Filipino na maaaring humantong sa unti-unti nitong pagkawala, kabaligtarang kinikilala naman ito ng iba’t ibang unibersidad sa mundo. Patuloy ring nakikilala ang talento at husay ng mga Pilipino maging ang Flipino bilang wika ng Pilipinas. Ang patuloy na adaptasyon ng mga salitang Filipino tulad ng baranggay, pasalubong, sando, KKB, mani-pedi, videoke, lumpia, kababayan at marami pang iba. At ang bagong salitang dinagdag nang nakaraan tulad ng kilig at gigil noong Marso 2025. Nagpapatunay lamang ito nang maaaring kontribusyon ng Filipino sa pandaigdigang wika ng mundo na patuloy na tinutuklas at hinahanapan ng katumbas sa iba’t ibang wika ng mundo.
Maaaring ang Ingles nga ang itinuturing na unibersal na wika ngunit ang pagsasalin ang magiging susi upang ganap na maibulalas natin sa mundo ang ating pagkakakilanlan. Ito ang UNITAS na magbubuklod sa lahat anoman ang gamit na wika.
"To Write My Name: A Dream Fulfilled" by Dr. Veronica E. Ramirez
“Ang aming munting pangarap
Kahit nasa huling yugto na ng buhay
Ay maisulat and aming buong pangalan.”
We responded to this by giving a series of Literacy sessions to the old members of the Aeta community of Mambugan, Castillejos, Zambales. Then on August 29, 2024, we received this note:
“Sana po ay marami pa kayong matulungan na kagaya namin na kahit nasa huling panahon na ng buhay namin ay natuto pa kaming maisulat sa papel ang buong pangalan namin dahil ang gobyerno ay hindi kami pinagtuunan ng pansin noong medyo kalakasan pa ng pangangatawan namin.”
Teaching them how to write their name and a few words was very fulfilling. I have witnessed how the first batch of Aeta seniors tried to hold the pencil with steady hand, how they slowly scribbled the straight and curve lines of the letters that spelled their name. I felt their determination to complete their full name despite fear of not being able to remember how to do it after our Literacy sessions. After a few days, we had a simple graduation. They wore the high school uniforms donated by kind donors and had their photos taken holding their Certificate. They cooked bilo-bilo and happily celebrated the fulfillment of their dream: to be able to write their name.
There were more Literacy sessions conducted for more Aeta seniors, this time with the help of Aeta Irwyna and Mexican Pablo who shared my passion for social work.
Being with our Aeta learners, I truly experienced Maximo Kalaw’s adage, “The ideal university is not found on campus . . . It is found wherever its benevolent influence is.” In the Sambal language, “Hay pinakamanged ya Unibersidad ay ahe mahelek ha lale nin pag-aralan, nu alwan ha kaganawan doyo mu maiikit ya kahampatan.”